Wednesday, August 7, 2013

Tula para kay Ate Aiza

Tawanan at hagikhikan ay napawi
sapagkat ikaw ay tuluyang binawi
ngunit lumisan ng may ngiti sa labi
‘pagkat kapiling mo amang  minimithi

Grupong iyong talagang pinaghirapan
 lubhang napilayan ng iyong iwanan
ngunit hayaan nalang at pabayaan
dahil sa iyong malubhang karamdaman

kami ay nabigla sa iyong pag kawala
ngunit alaala mo’y di mabubura
sapagkat tumatak na sa puso at diwa
magandang asal tinuro sa simula

kailan man hindi malilimutan
masasayang araw na pinag samahan
hayaan mong ikaw ay pasalamatan
dahil sa ginawa mong kadakilaan

ngunit kahit ganyan ang iyong sinapit
talagang pag-iiigihan naming pilit
balang araw mamutawi at masambit
“AIZA” ang sa ami’y nagturong umawit 


No comments:

Post a Comment