Wednesday, August 7, 2013

Tula para kay Ate Aiza

Tawanan at hagikhikan ay napawi
sapagkat ikaw ay tuluyang binawi
ngunit lumisan ng may ngiti sa labi
‘pagkat kapiling mo amang  minimithi

Grupong iyong talagang pinaghirapan
 lubhang napilayan ng iyong iwanan
ngunit hayaan nalang at pabayaan
dahil sa iyong malubhang karamdaman

kami ay nabigla sa iyong pag kawala
ngunit alaala mo’y di mabubura
sapagkat tumatak na sa puso at diwa
magandang asal tinuro sa simula

kailan man hindi malilimutan
masasayang araw na pinag samahan
hayaan mong ikaw ay pasalamatan
dahil sa ginawa mong kadakilaan

ngunit kahit ganyan ang iyong sinapit
talagang pag-iiigihan naming pilit
balang araw mamutawi at masambit
“AIZA” ang sa ami’y nagturong umawit 


Kabataan mamulat sa katotohanan at baguhin ang iyong kapalaran para sa pagbangon ng bayan.


Ni: R-Jay M. Papasin

     “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan” mga katagang namutawi sa labi at iniwan ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal. Simpleng kataga ngunit may malalim na kahulugan na dapat nating maunawaan. Hayaan ninyo akong tanungin ko kayo. “Paano ako magiging pag-asa ng bayan?” “Paano ko mababago ang aking kapalran?” “Paano natin mababago at maibabangon ang lugmok nating bayan”

     Oo “natin” dahil ikaw at ako ay dapat makialam, Maaari mong  sabihin na bata pa ako para d’yan o di kaya’y hayaan na lamang natin ang gobyernong solusyunan ang problemang ito. Ni minsan ba hindi man lamang sumagi sa isipan mo ang mga tanong na nabanggit? Itigil ang pagiging inosente at maging resposnable sa lahat ng ating ginagawa. Ang pagkamulat natin sa katotohanan ay ang tanging paraan para malaman natin ang dapat gawin. Katotohanan na ating magiging sandigan sa pagharap sa hamon ng tunay sa pagbabagong inaasam. Paano natin ito masisimulan kung mismong mga kabataan ay baon o lulong hindi yung buwaya ha kundi yung naadik na sa mga bisyong nakakasira sa kalusugan, kapaligiran at kalikasan. Pagkalabas mo pa nga lamang ng eskwelahan hala ayan na, nakahilera ang mga nagtitinda ng yosi, konting lakad lang ayan na ang BG. Naman naman naman.

     Ang tunay na pagbabago ay dapat simulan sa sarili. Gawin ang tama at itama ang mali. “Edukasyon ang solusyon” ni dating kalihim Jeslie A. Lapus ng kagawara ng edukasyon sa Pilipinas. Ang kampanyang nagging daan upang maipagbigay alam niya sa bawat isang Pilipino ang kahalagahan ng edukasyon, edukasyon na makakapagpaunlad sa bansa. Maswerte tayo sapagkat nakakapag-aral tayo sa mga mamahaling unibersidad kaya sana ay bigyan natin ng halaga at importansya ang pagod at hirap ng ating mga magulang sa pamamalakaya. Kung sinasayang mo lamang ang oportunidad na ito aba’y ang yaman mo, ibigay mo na lang sa iba na nagnanais mag-aral.

     “Tama na, sobra na, palitan na” ni dating pangulong Corazon C. Aquino noong rebolusyon sa EDSA. Kampaya upang mapababa sa pwesto ang noo’y diktador na si dating pangulong Ferdinand Marcos. Ngayon gagamitin ko ang mga salitang ito para sa ikagaganda ng kapaligiran. Tama na ang pang aabuso sa kalikasan, sobra na ang dinanas nitong kalupitan at palitan na ang bulok na sistema ng lipunan sa pangangalaga nito. Simulan natin sa simple pagsesegriga ng basura, sa pagsaway sa mga taong basta tapon lang ng tapon ng kalat kung saan-saan. Sa isang homiliya ng isang pari sa aming bayan sinabi niya “ang hindi mo pagsita sa taong nagkasala ay kasalanan mo na rin”. Tama na po ang pagsasawalang kibo natin.

     Minsan naiisip ko na lang rin na siguro tama na rin na parusahan tayo ng kalikasan upang matuto ang bawat nilalang sa mundo. Maraming buhay ang nagiging kabayaran ng mga sakunang ito ngunit mga kapwa ko Pilipino hindi pa ba tayo nagtatanda. Bakit hindi natin magawang isaksak sa mga kukote natin ang mga bagay na ito. Gamitin gamit din ng sentido kumon pag may time o baka naman wala ka talaga nito matamaan na ang matatamaan bato bato sa langit ang tamaan mabukulan sana.

     Kaliwa’t kanan na ang mga programa na nagsusulong sa ikagaganda at ikalilinis ng inang kalikasan, salamat sa kanila at unti-unti ng nalilinis ang mga ilog na nagmistulan ng palaisdaan ng basura. Naging malaking hamon sa akin na magbigay ng talumpati na namakapagpapamulat sa kapwa ko mag-aaral sa kakapiranggot na oras ngunit magkaaminan na mahirap ding naming magsaulo ng mahabang talumpati. Lahat tayo’y nagkakamali pero sana itama natin. Sa pag usbong ng makabagong panahon sana kasama rin dito ang pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan. Ang inang kalikasan ay parang tao rin na nangangailangang arugain at pangalagaan.


     Tama na ang pagbubulag-bulagan, tama na ang pagbibingi-bingihan sa mga isyung dapat mong tutukan. Kaya kabataan ating simulan pagbabgong ating pinakaaasam-asam. Maraming salamat sa inyong pakikinig mabuhay ang kabataang Pilipino na patuloy na lumamalaban para sa pagbangon ng bayan IKAW!!! Kailan mo babaguhin ang iyong kapalaran.