Ni: R-Jay M.
Papasin
“Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan” mga
katagang namutawi sa labi at iniwan ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose
Rizal. Simpleng kataga ngunit may malalim na kahulugan na dapat nating
maunawaan. Hayaan ninyo akong tanungin ko kayo. “Paano ako magiging pag-asa ng
bayan?” “Paano ko mababago ang aking kapalran?” “Paano natin mababago at
maibabangon ang lugmok nating bayan”
Oo “natin” dahil ikaw at ako ay dapat
makialam, Maaari mong sabihin na bata pa
ako para d’yan o di kaya’y hayaan na lamang natin ang gobyernong solusyunan ang
problemang ito. Ni minsan ba hindi man lamang sumagi sa isipan mo ang mga
tanong na nabanggit? Itigil ang pagiging inosente at maging resposnable sa
lahat ng ating ginagawa. Ang pagkamulat natin sa katotohanan ay ang tanging
paraan para malaman natin ang dapat gawin. Katotohanan na ating magiging
sandigan sa pagharap sa hamon ng tunay sa pagbabagong inaasam. Paano natin ito
masisimulan kung mismong mga kabataan ay baon o lulong hindi yung buwaya ha
kundi yung naadik na sa mga bisyong nakakasira sa kalusugan, kapaligiran at
kalikasan. Pagkalabas mo pa nga lamang ng eskwelahan hala ayan na, nakahilera
ang mga nagtitinda ng yosi, konting lakad lang ayan na ang BG. Naman naman
naman.
Ang tunay na pagbabago ay dapat simulan sa
sarili. Gawin ang tama at itama ang mali. “Edukasyon ang solusyon” ni dating
kalihim Jeslie A. Lapus ng kagawara ng edukasyon sa Pilipinas. Ang kampanyang
nagging daan upang maipagbigay alam niya sa bawat isang Pilipino ang
kahalagahan ng edukasyon, edukasyon na makakapagpaunlad sa bansa. Maswerte tayo
sapagkat nakakapag-aral tayo sa mga mamahaling unibersidad kaya sana ay bigyan
natin ng halaga at importansya ang pagod at hirap ng ating mga magulang sa
pamamalakaya. Kung sinasayang mo lamang ang oportunidad na ito aba’y ang yaman
mo, ibigay mo na lang sa iba na nagnanais mag-aral.
“Tama na, sobra na, palitan na” ni dating pangulong
Corazon C. Aquino noong rebolusyon sa EDSA. Kampaya upang mapababa sa pwesto
ang noo’y diktador na si dating pangulong Ferdinand Marcos. Ngayon gagamitin ko
ang mga salitang ito para sa ikagaganda ng kapaligiran. Tama na ang pang aabuso
sa kalikasan, sobra na ang dinanas nitong kalupitan at palitan na ang bulok na
sistema ng lipunan sa pangangalaga nito. Simulan natin sa simple pagsesegriga
ng basura, sa pagsaway sa mga taong basta tapon lang ng tapon ng kalat kung
saan-saan. Sa isang homiliya ng isang pari sa aming bayan sinabi niya “ang
hindi mo pagsita sa taong nagkasala ay kasalanan mo na rin”. Tama na po ang
pagsasawalang kibo natin.
Minsan naiisip ko na lang rin na siguro
tama na rin na parusahan tayo ng kalikasan upang matuto ang bawat nilalang sa
mundo. Maraming buhay ang nagiging kabayaran ng mga sakunang ito ngunit mga
kapwa ko Pilipino hindi pa ba tayo nagtatanda. Bakit hindi natin magawang
isaksak sa mga kukote natin ang mga bagay na ito. Gamitin gamit din ng sentido
kumon pag may time o baka naman wala ka talaga nito matamaan na ang matatamaan
bato bato sa langit ang tamaan mabukulan sana.
Kaliwa’t kanan na ang mga programa na
nagsusulong sa ikagaganda at ikalilinis ng inang kalikasan, salamat sa kanila
at unti-unti ng nalilinis ang mga ilog na nagmistulan ng palaisdaan ng basura.
Naging malaking hamon sa akin na magbigay ng talumpati na namakapagpapamulat sa
kapwa ko mag-aaral sa kakapiranggot na oras ngunit magkaaminan na mahirap ding
naming magsaulo ng mahabang talumpati. Lahat tayo’y nagkakamali pero sana itama
natin. Sa pag usbong ng makabagong panahon sana kasama rin dito ang
pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan. Ang inang kalikasan ay parang tao rin
na nangangailangang arugain at pangalagaan.
Tama na ang pagbubulag-bulagan, tama na
ang pagbibingi-bingihan sa mga isyung dapat mong tutukan. Kaya kabataan ating
simulan pagbabgong ating pinakaaasam-asam. Maraming salamat sa inyong pakikinig
mabuhay ang kabataang Pilipino na patuloy na lumamalaban para sa pagbangon ng
bayan IKAW!!! Kailan mo babaguhin ang iyong kapalaran.